Pagsusuring pampelikula:
FILIPINAS
Napakaganda ang pelikulang Filipinas na mula sa panulat ni Felipe Iglesias at ginawang isang obra sa direksiyon ng batikang director na si Joel C. Lamangan.
Ang naturang peikula ay tungkol sa isang pamilya sa makabagong panahon na kung saan ang kanilang ina ay isang guro na may anim na anak. Ang mga magkakapatid na ito ay may kanya-kanya ng buhay. Nagkataong ikakasal ang isa sa kanila kaya nagsiuwian ang lahat sa kanilang lumang tahanan upang magtipon. Ngunit sa kanilang pagbabalik ay dahan dahang nabuksang muli ang mga sugat ng kahapon na hindi pa rin tuluyang naghilom. Bunsod na rin ng iba’t ibang pananaw ay nagtatalo ang magkakapatid hanggang umabot sa sukdulan na kung saan ay nasuntok ang kanilang butihing ina at dinala sa ospital. Doon lang nila tinigilan ang kanilang mga pagtatalo. Hindi na nila pinairal ang kani-kanilang mga prinsipyo at nagkabuklod-buklod silang muli.
Maihahanay natin sa mga piling-pili at natatanging pelikula na gawang Pinoy ang obrang ito ni Joel C. Lamangan. Kung sa uri ng pelikula ang pagbabasihan, tiyak ito ay nabibilang sa drama o para maging tiyak ay family-drama. Maganda ito dahil ito ay nagtatalakay sa pamilya kaya marami ang nakaka relate. Maganda din ang ginawang uri ng paglalahad ni Lamangan sa pamamagitan ng flashback. Ito ay nakakatulong upang magbigay linaw sa mga pangyayaring naganap sa pelikula. Maliban pa dito mabisa din ito upang magbigay ng mas magandang epekto sa takbo ng mga pangyayari.
Meron ding mga parte ng pelikula na kung minsan ay gumagamit ng mga matatayutay na pananalita ang mga tauhan. Hayagan itong ginamit ni Florencia, ng kanyang kaibigang pari, at ni Yolanda. Ang kanilang mga sinasabi’y nagsasaad ng mga katotohanan tungkol sa buhay at iyo’y nagsasalamin sa kanilang mga damdamin at pananaw sa pamaraang makasining.
Tungkol naman sa takbo ng mga pangyayari, naging maganda naman ang naging resulta. Sa aking pag-aalala’y walang mga sandali na ako’y nabagot sa kapapanood dahil maganda at kapana-panabik ang takbo ng mga pangyayari. Ngunit napansin kong medyo minadali ang takbo ng mga pangyayari sa bandang hulihan ng pelikula. Mas mainam siguro kung ginawa ito sa normal na takbo at hindi medyo mabilisan.
Kung sa tauhan naman ang pag-uusapan ay masasabi kong maganda ang naging kinalabasan. Lalong laolo na sa katauhan ni Yolanda. Talagang nagampanang mabuti ni Ms. Maricel Soriano ang kanyang papel bilang Yolanda. Talagang isa syang batikang aktres at talagang makukumbinse ka sa kanyang pag-arte. Kaya hindi natin maitatanong kung bakit sya nanalong Best Actress sa pelikulang ito. Maganda ang kanyang papel bilang panganay na anak ng pamilya Filipinas. Maraming beses syang naging duwag na magsalita para sa katotohanan dahil mas pinairal nya ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya na kahit sarili nyang kaligayahan o buhay pag-ibig ay kanyang isinakripisyo alang-alang sa kanyang pamilya. Kung sa bagay, maganda at kahanga-hanga ang ginawa ni Yolanda ngunit nakalimutan nyang di nya dapat pasanin mag-isa ang mga suliranin ng kanyang pamilya. Nakalimutan nyang sya’y tao rin na marunong masaktan at magmahal. Kaya, nainitindihan ko ang kanyang naging reaksyon sa mga panahong nagkagulo na ang lahat. Bagay lamang na ipahayag nya ang kanyang tunay na saloobin imbes na ibaon ito sa limot at kawalang bahala. Ang kanyang katauhan ay nagpaala-ala sa akin na dapat nating harapin ang mga problema sa buhay at lutasin ito sa lalong madaling panahon upang hindi lumala at bago pa maging huli ang lahat, lalong lao na kung ito ay may kinalaman sa ating mga pamilya.
Wala akong maitulak kabigin sa mga nagsipagganap. Nabigyan nila ng buhay ang bawat katauhan na kanilang ipinakita. Ang naturang pelikula ay tinampokan ng mabibigat na bituin tulad nina Richard Gomez, Dawn Zaulueta, Aiko Melendez, atbp. Maging ang kaliit-liitang ekstra ay magaling din sa kanilang pagsipagganap.
Dahil sa pelikulang ito ay napagtanto ko ang kahalagahan ng pamilya at mabisang komunikasyon sa loob ng isang pamilya. Dapat magkaroon ng diskusyon kung may mga suliranin sa loob ng pamilya ngunit dapat itong gawin sa pamaraang mahinahon at iwasan ang pagiging mainitin ang ulo para sa katahimikan ng lahat.
May mga punto ring ako’y lubusan natinag sa takbo ng mga pangyayari lalong-lalo yong pagkakataong ipinabulalas ni Yoly ang kanyang mga hinanaing na kanya lamang kinikimkim sa loob ng mahabang panahon. Kasi, minsan ay ginagawa ko rin yon. Isa din yo`ng naglalakad sya sa gitna ng ulan matapos malaman na may iba na pala ang kanyang mahal na hindi nya nagawang ipaglaban noon.
Higit sa lahat, marami tayong aral na mapupulot mula sa pelikula. Una dito ay huwag na nating hintayin pa na mawala ang ating mga mahal sa buhay o may mangyaring masama sa ating mga magulang upang tayong mga anak ay magbuklod-buklod sa pagmamahal at magbibigay ng kapatawaran. Sa banding huli, pamilya pa rin ang tinitibok ng pusong Pilipino.

No comments:
Post a Comment