Tuesday, November 11, 2008

Parusang kamatayan

Parusang kamatayan; Kalutasan sa lumalalang Krimen sa Bansa O Hindi


“Ang buhay ay bigay ng Diyos at walang sinuman ang may karapatan na kumuha nito, kundi siya na nagbigay nito.”

Ang ating mundo ay lalong gumugulo habang papasok sa bagong siglo. Hindi maikakila ng bawat isa na ang ating mundo sa ngayon ay puno ng karahasan at ligalig. Mga karahasang nagdudulot ng gulo at ligalig sa ating mudong ginagalawan. Sari-saring krimen and maririnig o mapapanood sa radyo at telebisyon. Misan pa nga ay masasaksihan pa natin ito ng harap-harapan. Kay, nararapat lamang na parusahan ang mga taong gumagawa ng krimen upang mabawas-mabawas ang antas ng kriminalidad sa ating bansa.

Ngunit, dapat din nating isaalang-alang na sa bawat parusa ay may hangganan. At ang parusang kamatayan ay di dapat ipagpatupad sa ating bansa ng madalian, dahil ito ay kinakailangang pag-aralan ng maigi kung ito ba’y makatarungan o hindi. Dapat isaisip kung ito na nga ba ang huling soluson sa patuloy na lumalalang antas ng kriminalidad sa ating bansa, maging sa buong santinakpan. Ngunit, ayon sa pag-aaral na isinasagawa sa Estados Unidos, hindi ito napatunayan bilang huling sandata laban sa krimen. At bilang tao, meron tayong paniniwala na ang nasabing resulta ay maaaring maging katulad din kung ito ay ginawa sa ating bansa.

Sa katunayan, hindi ito ang solusyon sa patuloy na lumalalang antas ng krimen sa bansa dahil ang layunin ng pagpataw ng parusa ay upang matuwid ang taong nagkasala at makapagsimula ng bagong buhay. Na kung saan ang parusang kamatayan ay taliwas sa naturang layunin. Ang parusang kamatayan ay kumikitil ng buhay na bigay ng diyos sa atin. Nakasaad sa sampung utos ng Panginoon na “Hwag kang pumatay.” At paano kapag ang naparusahan ay wala palang kasaana, maibabalik pa ba ang kanyang buhay?

Masasabi din natin na ito ay isang trahedya sa karapatang pantao dahil ating inilalalgay ang maysala sa kanyang kaparusahan hindi sa pagmamahal ng sinuman kundi sa purong poot sa kanya.

Dapat din nating igalang ang buhay hindi lamang ng mga biktima ng krimen kundi pati na rin ng mga kriminal bilang tao na may karapatan na mabuhay.

Marami ang paraan ng pagpaparusa na maaring igawad sa mga kriminal maliban sa hatol na kamatayan. Ang panghabang buhay na pagkabilanggo ay isa sa mga sumasagot sa tawag. Mas mainam ito dahil ito’y nagsisilbing rehas ng mga krimnal tungo sa paggawa ng iba pang krimen at maari pa syang magbago at and ating mga mamamayan sa bagong kabihasanan ay di na tulad ng mga taong napag-iiwan ng bagong bihis ng kabihasbanan

No comments: